Na-miss ko Tumblr.
| — | MgaEpal.com |
| — | MgaEpal.com |
Jenny - The Click Five.
Naalala ko nung first year college pa kami. Naadik din ako sa kantang ‘to. Ito din yung pinapatugtog ko lagi pag nagpapalevel pa ‘ko nun sa RF. Tatlong taon na din pala ang lumipas. Maraming nagbago. Payatot pa din ako. PUTA.

Maligayang kaarawan sa’yo aking bespren. Biyayaan ka pa sana ng mas mahaba pang buhay. Wag kakalimutang nandito lang ako lagi para sa’yo. Wag kalimutang ngumiti.
Magmahalan tayong dalawa. Para sa ikabubuti ng mundo. Mabuhay ang ating future.
Basag na basag ako kagabi. Kulang nalang isuka ko pati bituka ko. Mahirap pala ‘pag salubong yung tagay. Pakaliwa yung Emperador tapos pakanan yung colt45. Tapos ‘pag minalas ka eh mag-aabot sa’yo yung dalawa ng sabay. Colt na ang magiging chaser mo sa empe.
Akala ko hindi ako nalasing. Nung nasa jeep na kami, dun ko na naramdaman. Nagsimula na ‘ko tumawag ng uwak. Pagbaba sa bayan, nagpa-para lang ako ng tricycle kay edel dahil hindi ko na kaya. Lumagpas pa yung tricycle sa amin. Nakatulog ako kaya kung saan-saan ako dinala nung tricycle driver. Buti nalang at ginising niya ko. Bumalik ulit kami. Binayaran ko siya ng bente pesos.
Naka-lock na yung gate namin. Tulog na mga tao. Hindi ko na kayang umakyat sa gate. Sa may tapat ng gate nalang ako natulog. Mahangin naman, malamok nga lang.



