Naalala ko dati nung nagkakatanungan kami magpipinsan kung ano gusto namin paglaki namin. Si ganito gusto doktor, si kwan teacher at syempre mawawala ba ang gusto mag-seaman. Tandang-tanda ko pa noon na gusto ko maging konduktor ng bus paglaki ko. Naastigan kasi ako noon sa pambutas ng ticket. Pero ngayon parang mas gusto ko na maging driver. Buti hindi pa ko lumalaki. Haha.









